Naaalala kong mabasa minsan na ang ilang tao ay gumagamit ng pananalita upang itago ang nasa isip, ngunit napansin ko na marami ang higit na gumagamit nito kaysa pag-iisip.
Ang pakikipag-usap ng isang negosyante ay kailangang ipailalim sa regulasyon ng mas kaunti at mas payak na mga alituntunin kaysa iba pang pagtitipon ng tao. Ang mga ito ay:
Magsalita ka.
Sabihin mo.
Tumigil ka sa pagsasalita.
Ang pagsisimula bago mo mabatid kung ano ang nais mong sabihin at ang pagpapatuloy pagkatapos mong masabi iyon ay maglalagay sa isang negosyante sa demanda o sa bahay-pulubi, at ang una ay mabilis na ruta papunta sa pangalawa. Tumutustos ako sa isang kagawarang pambatas dito, at masyado itong magastos, ngunit nag-iiwas ito sa akin na mahabla.
Ayos lang kapag dumadalaw ka sa isang babae o nakikipag-usap sa mga kaibigan pagkatapos ng salu-salo upang magpatakbo ng talakayan tulad ng sa ekskursiyon sa Sunday-school, na may mga pagtigil upang mamitas ng mga bulaklak; ngunit sa tanggapan, ang iyong mga salita ay kailangang pinakamaikling posibleng distansiya sa pagitan ng mga tuldok. Alisin ang pasakalye at ang mahabang talumpati, at tumigil bago ka makarating sa pangalawa. Kailangan mong magsermon nang maikli upang maakit ang mga makasalanan; at ang mga diyakono ay hindi maniniwala na kailangan nila mismo ang mahahabang sermon. Ibigay sa mga sira-ulo ang unang salita at sa mga babae ang huli. Ang laman ay palaging nasa gitna ng sandwhich. Siyempre, ang manipis na mantikilya sa bawat gilid nito ay hindi nakakasama kung ito ay para sa taong mahilig sa mantikilya.
Alalahanin din, na mas madaling magmukhang matalino kaysa magsalita ng katalinuhan. Magsalita nang mas maikli kaysa ibang tao at higit na makinig kaysa magsalita; dahil kapag nakikinig ang tao, hindi niya pinagsasabihan ang kanyang sarili at pinapurihan niya ang taong nagsasalita. Ibigay sa karamihan ng mga lalaki ang mabuting tagapagpakinig at sa karamihan ng mga babae ang sapat na sulatan at sasabihin nila sa iyo ang lahat ng nalalaman nila. Nagsasalita ang pera -- maliban kung ang may-ari nito ay hindi marunong makitungo, at ang mga komentaryo nito ay palaging nakakainsulto. Nagsasalita rin ang kahirapan, ngunit walang gustong makinig sa kung anuman ang sasabihin nito.